Ginulat ng tatlong hi ganteng kompanya ng langis ang mga motorista matapos itaas ng .50 sentimos kada litro ang presyo ng kanilang produktong petrolyo sa unang araw pa lang ng buwan.
Dakong alas 12:01 ng madaling araw kahapon ng simulan ng Pilipinas Shell ang price adjustment ng kanilang diesel, kerosene at gasoline na agad namang sinundan ng Chevron at Caltex dakong alas-6 ng umaga.
Ang panibagong oil price hike bunsod umano ng pagtaas ng presyo nito sa world market na umaabot na sa mahigit $100 kada bariles.
Kinakailangan na umano nila itong ipasa sa motorista dahil hindi na umano ito kayang balikatin ng kanilang kompanya.
Sa kasalukuyan ay naglalaro na ang presyo ng diesel sa mahigit P37 habang mula P46.03 hanggang P46.35 naman sa presyo ng gasoline.
Inaasahan namang susunod din ang independent oil players sa pagtataas sa parehong halaga.
Samantala hindi naman ginalaw ng mga kompanya ng langis ang presyo ng pro duktong LPG dahil sa ngayon ay bumababa ang presyo nito sa world market at katunayan nito ay ang P2 rollback sa presyo nito lang nakaraang buwan. (Edwin Balasa)