^

Bansa

Presyo ng petrolyo taas uli

-

Ginulat ng tatlong hi­ ganteng kompanya ng la­ngis ang mga motorista ma­tapos itaas ng .50 sentimos kada litro ang presyo ng kanilang produktong petrol­yo sa unang araw pa lang ng buwan.

Dakong alas 12:01 ng ma­daling araw kahapon ng simulan ng Pilipinas Shell ang price adjustment ng ka­nilang diesel, kerosene at ga­soline na agad namang sinundan ng Chevron at Caltex dakong alas-6 ng umaga.

Ang panibagong oil price hike bunsod umano ng pagtaas ng presyo nito sa world market na uma­abot na sa mahigit $100 kada bariles.

Kinakailangan na uma­no nila itong ipasa sa mo­torista dahil hindi na umano ito kayang balikatin ng kanilang kompanya.

Sa kasalukuyan ay naglalaro na ang presyo ng diesel sa mahigit P37 ha­bang mula P46.03 hang­gang P46.35 naman sa presyo ng gasoline.

Inaasahan namang susunod din ang independent oil players sa pagta­taas sa parehong halaga.

Samantala hindi naman ginalaw ng mga kompanya ng langis ang presyo ng pro­ duktong LPG dahil sa nga­yon ay bumababa ang pres­yo nito sa world market at ka­tunayan nito ay ang P2 roll­back sa presyo nito lang nakaraang buwan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

CALTEX

DAKONG

EDWIN BALASA

GINULAT

INAASAHAN

PILIPINAS SHELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with