Pormal na inilunsad ng Land Transportation Office sa pangunguna ni LTO Chief Alberto Suansing katuwang ang IT provider nitong Stradcom Corporation sa ilalim ng presidente at CEO Cezar Quiambao, ang LTO Online at Text LTO services na epektibong magagamit ng publiko sa pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa drivers license at rehistro ng sasakyan.
Sa pamamagitan din ng naturang hakbang, maiiwasang mabiktima ng mga fixers ang isang inosenteng mamamayan na nais makakuha ng lisensiya sa LTO at makapagrehistro ng sasakyan.
Ang mga motorista ay maaari nang makapagtransact online sa pamamagitan ng pag-acess sa http://www.lto.gov.ph sa Internet.
Ang LTO Online ay maaari ding magproseso para sa payment at delivery ng Motor Vehicle (MV) at Law Enforcement & Traffic Adjudication System (LETAS) Certifications.
Ang TEXT LTO service naman ay magbibigay ng mabilis at tamang impormasyon tungkol sa LTO requirements at procedures para sa registration ng saakyan, aplikasyon at renewals ng driver‚s licenses.
Ito ay sa pamamagitan ng pag text sa “LTO (space) HELP”, at i-send sa “2600”, agad may sagot na matatangap ang isang texter.
Niliwanag ni Suansing na ang programang ito ay wala namang dagdag na gastusin sa publiko kundi dagdag na serbisyo lamang ng ahensiya sa taumbayan. (Angie dela Cruz)