^

Bansa

LTO online at text LTO, go na!

-

Pormal na inilunsad ng Land Transportation Office sa pangunguna ni LTO Chief Alberto Suansing katuwang ang IT provider nitong Stradcom Corporation sa ilalim ng presidente at CEO Cezar Quiambao, ang LTO Online at Text LTO services na epektibong magagamit ng publiko sa pagkuha ng mga maha­halagang impormasyon tungkol sa drivers license at rehistro ng sasakyan.

Sa pamamagitan din ng naturang hakbang, ma­iiwasang mabiktima ng mga fixers ang isang ino­senteng mamamayan na nais makakuha ng lisen­siya sa LTO at makapag­rehistro ng sasakyan.

Ang mga motorista ay maaari nang makapag­transact online sa pama­magitan ng pag-acess sa http://www.lto.gov.ph sa Internet.

Ang LTO Online ay maaari ding magproseso para sa payment at delivery ng Motor Vehicle (MV) at Law Enforcement & Traffic Adjudication System (LETAS) Certifications. 

Ang TEXT LTO service naman ay magbibigay ng mabilis at tamang impor­masyon tungkol sa LTO requirements at procedures para sa registration ng saakyan, aplikasyon at renewals ng driver‚s licenses.

Ito ay sa pamamagitan ng pag text sa “LTO (space) HELP”, at i-send sa “2600”, agad may sagot na mata­tangap ang isang texter. 

Niliwanag ni Suansing na ang programang ito ay wala namang dagdag na gastusin sa publiko kundi dagdag na serbisyo la­mang ng ahensiya sa taumbayan. (Angie dela Cruz)

CEZAR QUIAMBAO

CHIEF ALBERTO SUANSING

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAW ENFORCEMENT

LTO

MOTOR VEHICLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with