PNP, AFP balik na sa normal alert
Matapos ang mapayapang interfaith rally ng anti-government groups, balik na sa normal ang alerto ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Metro Manila.
Sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., alas-10 ng gabi nitong Biyernes ay ibinaba na nila sa normal ang alerto ng kapulisan.
“The sacrifices of our policemen paid off, especially the 5,000 ‘Mamang Pulis’ and ‘Aleng Pulis” deployed to assist and secure the rally participants in Makati City,” sabi ni Razon.
Sa panig naman ng AFP, sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro na epektibo alas-12 ng tanghali nitong Sabado matapos na humupa ang tensiyon sa Metro Manila ay balik na rin sa normal ang kanilang alert status.
Gayunman, nagbabala si PNP Spokesman Sr. Supt Nicanor Bartolome na patuloy pa rin ang pagpapatupad ng gun ban sa buong bansa na magtatapos bukas.
Isinailalim sa red alert ng PNP at AFP-National Capital Region (AFP-NCRCOM) ang kanilang puwersa dahil na rin sa banta sa seguridad kaugnay ng kilos-protesta ng mga anti-GMA sa
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ng mga opisyal ang mga lumahok sa kilos protesta dahilan natapos ng mapayapa ang isinasagawa ng mga itong demonstrasyon.
Ang kilos-protesta ay dinaluhan ng mga opposition personalities
Bagaman ang panawagan ng Simbahan ay para sa katotohanan at hustisya sa likod ng ZTE-NBN deal controversy, sumentro naman ang kilos-protesta sa panawagang pagbibitiw ni Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending