^

Bansa

‘GMA resign’ todo na!

-

Itotodo na ng oposis­yon ang kanilang pana­wagan sa pagbibitiw ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa puwesto sa pamamagitan ng ka­nilang interfaith rally sa Makati City ngayong araw na lalahukan ng mga mili­tanteng grupo, reliho­yoso, professional, mga dating miyembro ng Gabi­nete, civil society, estud­yante, manggagawa, ne­gos­yante at iba pang sektor.

Sinabi ni United Opposition President at Makati Mayor Jejomar Binay na may 50,000 estudyante mula sa La Salle, Ateneo, University of the Philippines, Polytechnic University of the Philippines at  University of Manila ang inaasahang sasama sa kilos­-protesta.

Nilinaw din ni Binay na isang normal na kilos-pro­testa lamang ang isasa­gawa ng iba’t ibang grupo at hindi ito hahantong sa paniba­gong people power na pu­wer­sahang magpa­patalsik kay Pangulong Arroyo­.

Nagpahayag na rin ng kahandaan ang Philippine National Police sa natu­rang rally.

Ayon kay Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Makati City Police, katuwang ng kan­yang mga tauhan sa pag­sasa-ayos ng daloy ng trapiko ang mga  miyembro ng Makati Public Safety habang naka-alerto rin ang mga opisyal ng barangay.

Inihayag din ng Concerned Lawyers for Civil Liberties na binubuo ng maraming samahan ng mga abogado ang pag­sama nila sa rally.

Nangako naman ang lider ng Jesus is Lord Mov­e­ment na si Bro. Eddie Villanueva na magsasama siya ng mahigit 100,000 miyembro sa naturang rally bagaman mayorya ng JIL ay tumangging sumali rito. Nanawagan pa rin siya sa Pangulo na magpatawag ng snap elections.

Ginawa ng JIL ang de­sisyon dahil hindi malinaw kung sino ang ipapalit kay Arroyo. 

Hindi naman sasali ang El Shaddai sa interfaith rally at si Pangulong Arroyo pa rin umano ang patuloy na susuportahan ng grupo hangga’t hindi napapatu­nayan sa korte na nagka­sala ang Pangulo.

Bukod sa mga religious groups ay kasama sa rally ang mga militanteng grupo, rightist at mga civil society groups para manawagan ng pagbaba sa puwesto ng Pangulo dahil sa kinasang­kutang anomalya sa national broadband project.

Dadalo rin si dating pa­ngulong Joseph Estrada bagama’t hindi pa tiyak kung kinakailangang mag­salita siya sa entablado o hindi upang maiwasan na rin ang bintang na pinu­puli­tika lamang ang pag­sasa­gawa ng kilos-protesta.

Binalaan naman kaha­pon ng Malacañang si Es­trada na huwag nitong abu­suhin ang kanyang “kala­yaan’ sa pagdalo nito sa interfaith rally.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez, mas makaka­buti kung tutulong na la­mang si Erap na makaha­nap ng solusyon sa umiiral na ingay-pulitika dulot ng kontrobersyal na NBN-ZTE deal. (Rose Tamayo-Tesoro, Edwin Balasa At Rudy Andal)

AYON

CIVIL LIBERTIES

CONCERNED LAWYERS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with