Trojan horse o hindi: Madriaga bibigyan ng seguridad - Villar
Trojan horse man o hindi, bibigyan ng Senado ng kaukulang seguridad ang walk-in whistleblower na si Dante Madriaga.
Ito ang ibinigay na katiyakan ni Senate President Manny Villar kasunod ng ipinahayag ni Madriaga na nangangamba siya para sa seguridad niya at ng kanyang pamilya matapos siyang tumestigo sa Senado.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Madriaga, dating consultant ng ZTE, na sina Pangulong Arroyo at Unang Ginoo ay bahagi ng “Greedy Group plus plus” na nakinabang sa $41 milyon na kickback mula sa naunsyaming ZTE telecommunications deal.
“May silid para sa kaniya,” pagsiguro ni Villar bilang kunsiderasyon kay Madriaga na nangangamba na hindi na ligtas para sa kanila ng kaniyang asawa at pitong anak ang kanilang tahanan sa Parañaque matapos niyang magbitiw ng mga pagsabog noong Martes.
Inatasan ni Villar ang mga komite na nag-iimbestiga sa ZTE scandal at ang Senate Sergeant-at-Arms upang magbi gay ng seguridad kay Madriaga at sa kaniyang pamilya.
Ipinaliwanag ni Villar na hindi agad nabigyan ng seguridad si Madriaga matapos nitong tumestigo sa Senado “dahil biglaan siyang humarap bilang testigo kaya wala agad na security arrangement para sa kaniya.” (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending