^

Bansa

Plunder, graft vs GMA

- Nina Angie Dela Cruz At Butch Quejada -

Ipinagharap ng ka­song plunder at katiwalian sa tanggapan ng Ombudsman ni dating Senate president Jovito Salonga si Pangulong Arroyo ka­ugnay ng pagkakasang­kot nito sa kontrobersyal na $329M national broadband network (NBN) deal.

Sa tatlong pahinang reklamong inihain ni Salonga at ng grupong Kilosbayan at Bantay Katarungan, tatlong batas umano ang nilabag ng Pangulo ng aminin nito sa panayam sa DZRH na pinayagan nito ang ZTE-NBN project kahit alam niyang may diperensiya ang deal, ito’y ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Anti-Plunder Law.

Batid ni Salonga na pwede lamang kasuhan ang Pangulo kapag wala na ito sa puwesto kaya matapos pag-aralan ng Ombudsman ang nasa­bing kaso ay dadalhin ito sa Sandiganbayan para madesisyunan kung saan mawawala na ang immunity ni GMA sa sandaling lumabas na ang desisyon o hatol laban dito sakaling dumating ang 2010.

“Dadalhin yan sa Sandiganbayan. Immunity from suit covers that but by that time nakalipas na ang 2010 and therefore she will become a private citizen. hindi naman siya forever dun lalo na ngayon sinabi na niya, she will step down in 2010,” sabi pa ni Salonga.

Sa nasabing reklamo, kinansela umano ni GMA ang nasabing kontrata noong Setyembre 22, 2007, limang buwan ma­tapos ang pagdinig sa nasabing anomalya.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ANTI-PLUNDER LAW

BANTAY KATARUNGAN

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

JOVITO SALONGA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

SALONGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with