^

Bansa

EO 464 di madaling ibasura - DOJ

-

Kailangan umanong maintindihan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi madaling ibasura ang Executive Order 464.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, ang pag-abolish sa EO 464 ay nangangailangan ng masusing pag-aaral dahil sa mayroong batas na kailangan ikonsidera bago sila magdesisyon.

Sinabi pa ng Kalihim na kailangang mauna­waan ng CBCP na may­roon silang mga parameters na ikinu­kunsidera tulad ng mga impormas­yon na kailangan ng confidentiality tulad ng trade secrets at may ka­ugna­yan sa seguridad ng bansa.

Iginiit pa ni Gonzalez na maging ang Supreme Court (SC) ay kinilala ang E) 464 sa kanilang naging desisyon dito noong 2006 kung saan nakasaad na sakop nito ang first level officials ng gobyerno.

Idinagdag pa nito na ang pagbubunyag ng sekreto ng isang public official ay mayroon ding kaparusahan base sa ilalim ng Revised penal Code.

Nilinaw pa nito ang paglaban naman sa ko­rupsyon ang pangunahing agenda ng Arroyo government at hindi umano pinagbabawalan ng Pa­ngulo ang kanyang mga opisyal na dumalo sa legislative inquiries subalit kapuna-puna umano na ang mga mambabatas ay minsan lumalampas sa kanilang  kapangyarihan sa pagtatanong  sa mga opisyal ng gobyerno.

Dahil dito kayat pina­alalahanan ng Kalihim ang mga mambabatas na iga­lang ang mga taong kani­lang iniimbeta sa Senado.

Samantala, bumuo na kahapon ng legal team si Pangulong Arroyo upang pag-aralan ang rekomen­dasyon ng CBCP kaug­nay sa EO 464. 

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na ang legal team ay kinabibilangan nina DOJ Sec. Gonzalez, Chief Pre­sidential Legal Counsel Sergio Apostol, Solicitor-General Agnes Devana­dera, deputy executive secretary for legal affairs at pinuno ng Governmental Corporate Counsel. (Gemma Amargo-Garcia/Rudy Andal)

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CHIEF PRE

EXECUTIVE ORDER

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GEMMA AMARGO-GARCIA

GONZALEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with