P.5M ibinigay kay Lozada pang-renovate daw ng bahay ni Gaite

Pang-renovate umano ng bahay ang P500,000 ibinigay ni Deputy Executive Secretary Manuel Gaite kay Jun Lozada.

Sa pahayag ni Gaite sa Senate blue ribbon committee, galing mismo sa kan­ yang bulsa ang naturang pera na inutang niya sa kan­yang uncle na si Melquai­des Gaite at sa sister-in-law taliwas sa sinabi kama­kailan ni Executive Sec. Eduar­do Ermita na nag­mula ang nasabing halaga sa mga unanimous at public donors.

Ayon kay Gaite, matin­ding awa at kunsensya ang kanyang naramda­man kay Lozada nang makatanggap ito ng text mula sa huli na nagsa­sabing walang-wala na siyang panggastos at nila­lamig sa kanyang kina­roroonan kaya pinahiram niya ito.

Gayunman, inamin ni Gaite na hindi nila pinag-usa­pan ni Lozada ang “terms and conditions” ng nasabing pa­utang at sa pag-uwi na lamang nila ito pag-uusapan. 

Ang kapatid ni Jun Loza­ da na si Noel “Owe” Lozada ang tumanggap ng pera.

Kinuwestyon naman ng mga senador ang pagiging “generous” ni Gaite na tinawag na “Good Samaritan” dahil ipinautang la­­mang nito ang sana’y pampagawa ng kan­yang bahay sa isang “stranger” na gaya ni Lo­zada na dalawang beses pa lamang nitong naka­kausap (noong Jan. 29 at Feb. 4). 

Niliwanag ni Gaite na sa simula pa lamang, ang pagkakaalam nito ay nasa London si Lozada mula nang umalis sa Pilipinas at dahil sa ‘expensive city’ ang kanyang kinalalagyan ay ganung kalaking ha­laga umano ang kanyang napa­hiram. (Ellen Fernando)

Show comments