P.5M ibinigay kay Lozada pang-renovate daw ng bahay ni Gaite
Pang-renovate umano ng bahay ang P500,000 ibinigay ni Deputy Executive Secretary Manuel Gaite kay Jun Lozada.
Sa pahayag ni Gaite sa Senate blue ribbon committee, galing mismo sa kan yang bulsa ang naturang pera na inutang niya sa kanyang uncle na si Melquaides Gaite at sa sister-in-law taliwas sa sinabi kamakailan ni Executive Sec. Eduardo Ermita na nagmula ang nasabing halaga sa mga unanimous at public donors.
Ayon kay Gaite, matinding awa at kunsensya ang kanyang naramdaman kay Lozada nang makatanggap ito ng text mula sa huli na nagsasabing walang-wala na siyang panggastos at nilalamig sa kanyang kinaroroonan kaya pinahiram niya ito.
Gayunman, inamin ni Gaite na hindi nila pinag-usapan ni Lozada ang “terms and conditions” ng nasabing pautang at sa pag-uwi na lamang nila ito pag-uusapan.
Ang kapatid ni Jun Loza da na si Noel “Owe” Lozada ang tumanggap ng pera.
Kinuwestyon naman ng mga senador ang pagiging “generous” ni Gaite na tinawag na “Good Samaritan” dahil ipinautang lamang nito ang sana’y pampagawa ng kanyang bahay sa isang “stranger” na
Niliwanag ni Gaite na sa simula pa lamang, ang pagkakaalam nito ay nasa
- Latest
- Trending