^

Bansa

Pagkakaisa panawagan ng mga duktor at relihiyoso

-

Nananawagan ang ilang mga grupo ng doktor at relihiyoso sa mama­ma­yan na magkapitbisig sa pagkamit ng kapayapaan at tunay na pagkakaisa sa gitna ng krisis pampulitika na kinahaharap ng admi­nistrasyong Arroyo sanhi ng sunud-sunod na es­kandalo.

Isinagawa ng mga opis­yal at miyembro ng Philip­pine Medical Asso­ciation at Heal the Nation Interfair Council  ang  pa­nawagan sa News­Stand breakfast forum sa Am­bassador Hotel Manila kamakailan.

Tinukoy nila na ang bansa ay maihahambing sa isang may sakit na nara­ ratay sa karamdaman ng ka­hirapan, katiwalian, tero­rismo at pagkakahi­walay subalit tulad din ng isang tahanang inaanay ay hindi dapat sunugin kundi kaila­ngang linisin sa pes­teng sumisira.

“Nakikita namin na hindi tayo makakaasa sa ating mga lider sa pulitika upang sila ang magsimula sa pag­papagaling sa ating bansa dahil sila mismo ay hiwa-hiwalay sa kanilang panini­wala at pag-iisip. Ma­tagal na tayong naghi­hirap dahil sa ating ka­walang-bahala at ’di-pag­kilos bilang mga ma­ma­mayang nag­ma­ma­hal sa ating bayan,” pinunto ni Philippine Medi­cal Asso­ciation vice presi­dent Rey Melchor Santos, M.D.

Sa kabilang dako, nag­pahayag naman ng pag-asa si Patriarch Florentino Teruel ng Apostolic Catho­lic Church at spokesman ng Heal the Nation Inter­faith Council na ang ka­nilang grupo ay magiging mahala­gang ehemplo para sa ibang mga sektor ng lipu­nan sa pagpu­punyagi na isama nila ang kanilang boses sa pana­wagan para sa pagbabago at pagka­kaisa.

Magsasagawa nga­yong araw na ito ang PMA kasama ang HTNIC ng libreng medical mission para sa kapayapaan at pagkakaisa sa harap ng Manila Broadcasting Com­pany-DZRH radio station sa Cultural Center of the Philippines Compex, Pa­say City mula alas-6 ng umaga hanggang hapon.

APOSTOLIC CATHO

HEAL THE NATION INTER

HEAL THE NATION INTERFAIR COUNCIL

HOTEL MANILA

MANILA BROADCASTING COM

MEDICAL ASSO

PATRIARCH FLORENTINO TERUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with