Ex-trustees ipinaaresto

Nagpalabas kahapon ng warrant of arrest si Pasig City Regional Trial  Court-Branch 67 Judge Amorfina Cerrado-Cesar laban sa mga dating trustees ng Air Material Wing Savings and Loan Association Inc. na sina retired Luvin Manay, Antonio Mantuano, at PAF Major Wilfredo dela Cruz.

Ipinalabas ang warrant batay sa reklamong libel na isinampa ng mga kasalu­ku­yang opisyal ng AMWSLAI na sina Ricardo Nolasco Jr., chairman,  Thaddeus Estalilla, vice chairman, at Morado Mer­cado na pawang mga reti­radong opisyal ng Philip­pine Air Force.

Ang kaso ay nag-ugat sa isang kontrobersiyal na liham na may petsang Okt. 1, 2007 na ginawa umano ni Manay sa pakikipag­sabwatan daw kina Man­tuano at dela Cruz na na­ilathala at ipinadala sa pangulo ng isang commer­cial bank sa Pasig City.

Ayon sa prosecution, layunin ng liham na iligaw ang nasabing bangko at ang publiko na base sa de­sisyon ng Korte Su­prema, na may petsang Okt. 9, 2007, ang mga nag­rekla­mo ay hindi na trustees ng AMWSLAI. Ang nasabing desisyon, aniya, ay hindi pa pinal dahilan sa napapa­nahong pagsa­sampa ng motion for re­consideration ng mga nagreklamo sa Korte Suprema.

Show comments