Passport ni Lozada naibalik na

Naibalik na kahapon kay ZTE star witness Ro­dolfo Lozada ang kan­yang pasaporte na kinuha uma­no sa kanya nang duma­ting ito sa NAIA mula sa Hongkong.

Ibinigay ni retired SP04 Rodolfo Valeroso ang pasaporte sa ginanap na pagdinig sa Court of Appeals (CA) 17th Division sa inihaing writ of amparo ni Lozada.

Sinabi naman ni Atty. Erik Santos, abugado ni Valeroso, noon pang Peb­rero 7 binigay ng kanyang kliyente ang passport ni Lozada subalit ngayong araw lamang niya napag­tanto na dapat isauli o isuko ang naturang passport  sa pagdinig sa CA.

Inamin naman ni Lo­zada na siya ang may-ari ng passport kasabay ng pagsasabi na wala itong stamp ng immigration ng dumating siya sa bansa mula sa HK bilang patunay umano na siya ay dinukot.

Tumanggi naman ang Appellate Court na tang­gapin ang passport bilan­g ebidensiya.

Ipinaliwanag ni Justice Celia Leagogo na maaari lamang tanggapin ng korte ang naturang passport bilang ebidensiya kapag tuluyan nang humarap sa witness stand si Lozada at ito mismo ang personal na magbibigay nito bilang ebi­densiya sa korte. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments