^

Bansa

Bagong People Power malabo raw

-

Minaliit ng Malaca­ñang ang posibilidad na mag­ karoon ng paniba­gong People Power upang ma­patalsik sa poder si Pa­ngulong Arroyo.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mita, kulang ang ele­mento na susuporta para sa panibagong People Power tulad na rin ng paglalarawan ni dating Pangulong Ra­mos.

Wika pa ni Sec. Er­mita, malaya naman ang sinuman na manawagan ng kanilang paniniwala tulad ni CBCP president Archbishop Angel Lag­da­meo. 

“Naniniwala kami na the conditions, as well as the reasons for a people power are not present,” dagdag pa ni executive secretary.

Sinabi ni Ermita, ang panawagan ni Archbishop Lagdameo ay hindi na­man nanganga­hulugan na ito rin ang paniniwala ng 81 obispo, 14 arso­bispo at 2 kardinal ng simbahan.

“They cannot claim na sila lang ang nag­luklok kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong EDSA 2,” dagdag ni Er­mita.

Idinagdag pa ni Er­mita, walang plano ang Palasyo na kasuhan ng sedition ang simbahan dahil sa ginawa nitong mga panawagan dahil karapatan naman ng si­numan na ihayag ang kan­yang pagkadismaya o kanyang paniniwala. (Rudy Andal)

ARCHBISHOP ANGEL LAG

ARCHBISHOP LAGDAMEO

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG RA

PEOPLE POWER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with