Inirekomendang ipa-blacklist ng Senado sa mga proyekto ng gobyerno ang Zhong Xing Telecommunications Equipment (ZTE) Corp. ng China matapos ang maanomalyang $329 million national broadband network (NBN) deal.
“It could be one of the recommendations of the Blue Ribbon Committee,” pahayag ni Sen. Panfilo Lacson.
Hindi rin umano nagpakita nang pakikiisa ang ZTE kaugnay sa ginawang imbestigasyon at tinawag pang isang “political circus” ang Senate hearing.
Kinuwestiyon din ni Lacson ang pahayag ng Malacañang na sususpendihin ang P104 bilyong halaga ng hindi pa nagagamit na official development assistance (ODA) projects.
Nakakapagduda aniya ang biglang pagsuspinde sa ODA at posibleng walang kumikita dito kaya pinapasuspinde. (Malou Escudero/Edwin Balasa)