Senado neutral sa ‘GMA resign!’

Upang mapanatiling “neutral” ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso, sinigurado ni Senate President Manny Villar na hindi nito susuportahan ang panawagang patalsikin sa Malacañang si Pangulong Arroyo.

Ginawa ni Villar ang reaksiyon sa gitna ng mga panawagan ng ibat-ibang sektor na bumaba na sa puwesto ang Pangulo matapos masangkot sa maano­malyang NBN-ZTE deal.

Sinabi ni Villar na  bilang pangulo ng Se­nado, mas makakabuti para sa kanilang mga senador na panatilihin na walang bahid pu­litika ang mga naga­ganap na imbestigas­yon sa Senado na nag­dadawit ng mga mala­laking tao sa pa­maha­laan.

Ikinatuwiran pa nito na ginagampanan la­mang ng mga senador ang kanilang tungkulin na mag-imbestiga, tu­lad ng kanilang isi­nasagawang imbesti­gas­yon sa NBN-ZTE.

Iginiit rin ng senador na hindi ito magpa­paka-aktibo sa isinusu­long ni dating House Speaker Jose De Ve­ne­cia na Moral Revolution laban sa admi­nistrasyong Arroyo.

Nauna rito, nagpa­hayag na rin si Sen. Loren Legarda na mas gugustuhin na lamang nito na manatili sa pwesto si Pangulong Arroyo, kung si Vice Pres. Noli de Castro lamang ang papalit sa pangulo.

Ayon kay Legarda, si de Castro ay nanalo lamang dahil sa pag­mamanipula ng mga elections returns kaya’t igigiit nito na huwad na nanalo itong si de Cas­tro at hindi nararapat na pumalit sa Pangulo.

Show comments