P.5M tulong kay Lozada inamin ni Gaite

Nagsisisi si Deputy Executive Secretary Ma­nuel Gaite sa ginawa niyang pagtulong kay NBN witness Rodolfo Lozada Jr. dahil siya pa umano ang nabaligtad at lumabas na masama.

Inamin ni Gaite na bi­nigyan niya ng P500,000 si Mr. Lozada dahil sa sobrang awa niya rito matapos mag-text sa kanya ang huli noong Pebrero 3 ng madaling araw habang nasa Hong Kong ito.

Nilinaw ni Gaite na ang perang ibinigay niya kay Lozada na tinanggap naman ng kapatid nitong si Owen ay hindi galing sa pondo ng pamahalaan. Itinanggi rin ni Gaite na siya ang nag-ayos ng pagbiyahe ni Lozada pa­tungong HK upang maka­iwas ito sa pagdalo sa NBN-ZTE deal investigation ng Senado. 

Aniya, pumirma si Owen sa isang acknow­ledgement receipt bilang katunayan na tinanggap nito ang P500,000 na subject for accounting sa sandaling bumalik sa bansa si Lozada.

“With the way Jun Lozada has twisted my response to his personal appeal, deceived me about his dire circumstances. I regret that my act of compassion for him was taken advantage of and was used to suit his story,” wika ni Gaite. (Rudy Andal)

Show comments