Misis ni Lozada kinasuhan ng perjury

Sinampahan ng ka­song perjury sa Manila Prosecutors Office ang maybahay ni ZTE star witness Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. ng isang police official dahil sa paghahain ng habeas corpus petition sa huku­man kahit pa kasama na umano nito ang asawa na naunang iniulat na kinid­nap sa NAIA. 

Sa kanyang limang pa­ hi­nang reklamo, sinabi ni Police Senior Supt. Paul Mascarinas, deputy director ng Police Security and Protection Office-Philippine National Police (PSPO-PNP) na inihayag ni Violeta Cruz-Lozada sa kaniyang petis­yon na hindi niya alam kung na­saan ang kanyang asa­wa hanggang sa oras na nag­­hain siya ng kaso da­kong 1:11 ng hapon noong Pebrero 6.

Hiniling pa umano ni Mrs. Lozada sa mga respondents sa petisyon na ilutang ang kanyang asawa kahit pa kasama na umano niya ito noon pang gabi ng Pebrero 5.

Nagpadala rin naman si Atty. Virgilio Pablico, hepe ng legal division ng PNP-Criminal  Investigation and Detection Group (CIDG) ng dalawang pa­hinang liham kay Manila City Prosecutor Jhosep Lopez upang su­por­tahan ang reklamo ni Masca­rinas.

Sa liham, nilinaw ni Pab­lico na inamin mismo ni Jun Lozada sa isinaga­wang pagdinig sa Sena­do noong Pebrero 8 na dinala siya sa La Salle Green­hills noong Pebrero 5 at naka­piling na niya ang kaniyang pamilya.

Inihayag din ni Mas­carinas na ang pahayag ni Mrs. Lozada na ang kan­yang asawa ay nasa kos­tudiya ng pamaha­laan noong pana­ hong iyon ay mali dahil siya kasama ng kani­yang pa­milya ay mala­yang ma­kapunta saan mang lugar niya naisin. (Doris Franche)

Show comments