Survey ng AIM sa pag-aplay ng negosyo sa QC inalmahan
Hiniling kahapon ng local na pamahalaan ng Quezon City sa Asian Institute of Management (AIM) na magsagawa ng tunay at hindi moro-morong “survey” sa tunay na bilis ng apli kasyon para sa negosyo sa lungsod na tatagal lamang umano ng ilang oras.
Sinabi ng tresurero ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte na si Dr. Victor Endriga na walang katotohanan ang inalabas na resulta ng survey ng AIM na aabot umano sa 10 araw ang pagproseso ng aplikasyon ng negosyo sa pamahalaang lungsod.
Sa inilabas na survey, sinabi ng AIM na base umano sa kanilang mga “respondents”, tig-iisang araw ang itatagal sa pagkuha ng sedula, barangay clearance, application form, pagpa-notaryo, assessment at pagbabayad habang tatagal naman ng apat na araw ang pagkuha ng “Mayor’s Permit”.
Iginiit ni Endriga na malayo sa katotohanan ang survey dahil sa maaari lamang makuha ang lahat ng proseso sa loob lamang ng ilang oras.
Pawang mga espekulasyon o hula lamang umano ang ginawa ng AIM na pinangangambahang makasira sa imahe ng siyudad bilang “
Umaasa ang opisyal na tutugon ang AIM sa kahilingan nilang magsagawa ng tunay na pag-aaral na aktuwal kaugnay sa proseso ng lungsod sa pagkuha ng business permit ng mga negosyante taliwas sa taktika nilang ginamit na umano’y mala- Recto University Survey. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending