‘Sabi ni Neri, evil person si GMA’ – Lozada
Tinawag umanong “evil person” ni dating Socio-Economic Secretary Romulo Neri si
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y maanomalyang national broadband network contract ng pamahalaan at ng ZTE Corp. ng China, sinabi ni Lozada na nangyari ang meeting noong Disyembre 7 sa Asian Institute of Management building sa Makati City kung saan tahasang inilarawan umano ni Neri na “evil” ang Pangulo.
Sa Malacañang, pinabulaanan ni Neri ang akusasyon ni Lozada.
Nagsilbing technical consultant ni Neri si Lozada na isang electronics and communications engineer.
Naunang tumanggi si Lozada na isalaysay ang nangyari sa meeting noong Disyembre dahil dumarami na umano ang kanyang kaaway dahil sa kanyang mga pahayag sa Senado pero ipinaalala ng mga senador ang sinumpaan nitong magsasabi ng katotohanan.
Ayon kay Lozada, nangyari ang meeting matapos ang unang pagharap ni Neri sa Senado kung saan nanghingi pa umano ng tulong ang dating NEDA chairman na tinawag nitong “patriotic money”.
Gusto umanong makalikom ng pera o “patriotic money” ni Neri na magagamit umano nito sa sandaling umalis na ito sa gobyerno matapos ibunyag ang nalalaman sa $329 milyong NBN project.
Inilarawan pa umano ni Neri kung gaano kalala ang katiwalian sa bansa. Dumalo sa pulong ang mga oposisyong senador na sina Ana Consuelo “Jamby” Madrigal at Panfilo Lacson.
Pinangalanan pa umano ni Neri ang apat na negosyante na nakikinabang sa korupsiyon sa gobyerno na sina Enrique Razon, chairman at president ng International Containers Terminal Services Inc.; Lucio Tan, may-ari ng Philippine Air Lines; at isang Tommy Alcantara.
Nangyari umano ang meeting noong kinukumbinsi si Neri na humarap muli sa Senado upang ibunyag pa ang nalalaman sa kontrobersiyal na NBN-ZTE contract.
Matatandaan na isang beses lamang humarap sa Senado si Neri kung saan ibinunyag niyang sinabihan siya ni dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos na “Sec, may 200 ka dito”.
Isinangkalan din ni Neri ang executive privilege para hindi siya mapilit ng mga senador na ibunyag kung ano ang usapang namagitan sa kanila ni Pangulong Arroyo sa NBN-ZTE contract.
Samantala, hiniling din ni Lozada sa mga senador na bigyan ng proteksiyon si Neri at siguraduhing hindi mapapahamak ang buhay nito dahil konektado pa rin ito sa Malacañang.
Humingi rin ng tawad si Lozada kay Neri matapos nitong ibunyag ang pagkakalarawan nito ng “evil” o demonyo ang Pangulo.
Kinumpirma naman ni Lacson ang naganap na pulong sa AIM pero hindi niya isiniwalat sa publiko dahil sa pangako niya kay Neri.
Hindi direktang inamin ni Neri ang pahayag ni Lozada na tinawag niyang “evil person” ang Pangulo.
Sa text message ni CHED chairman Neri sa Malacañang reporters, sinabi niyang hindi niya maalala ang kanyang mga binitiwang pananalita ng makipagpulong siya kina Lacson at Madrigal sa AIM.
Iginiit kahapon ng Malacañang na mas makakabuting dalhin na lamang ni Lozada sa korte ang kanyang mga paratang tulad ng huling akusasyon nitong ang Palasyo ang gumastos sa kanyang biyahe patungong
Sinabi ni Cabinet Secretary Ricardo Saludo na kahit sino ay maaaring magsabing binigyan siya ng pera at ipakita ang salapi na umano’y ibinigay sa kanya.
Ayon kay Saludo, hindi lamang sa pamamagitan ng pag-aakusa ni Lozada na binigyan daw siya ni Deputy Executive Secretary Manuel Gaite ng P500,000 masusukat ang katotohanan sa alegasyong ito.
Wika pa ni Saludo, mas kailangang masusing masiyasat ng korte o ng Ombudsman ang mga akusasyong ito upang lumabas ang katotohanan o pabulaanan ang mga akusasyon.
Binuweltahan din ni Neri si Lozada sa pagbunyag nito na inalok siya ng P20 milyong “Patriotic fund” kapalit ng kanyang pagbibitiw sa Gabinete ni Pangulong Arroyo at pagharap sa imbestigasyon ng Senado.
Sinabi ni Neri si Lozada ang mismong nag-alok sa kanya ng P20 milyong “patriotic fund” na mula daw sa mayayamang negosyante.
- Latest
- Trending