^

Bansa

Owner ng Green Cross di na aapela sa DOJ

-

Hindi na aapela ang pamilyang nagmamay-ari ng Green Cross Inc. sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na nag-aakusa sa kanila ng estafa dahil mas pinaboran ng DOJ ang complainant na si Co It kaysa sa mga contrary documentary evidence na iprinisinta nila.

Sa isinumiteng manifestation sa DOJ, sinabi ni Atty. Estelito Mendoza, abogado ng pamilya Co sa pamumuno ni Anthony Co, na hindi naaayon sa ebi­den­siya ang resolution ng DOJ at hindi rin naaayon sa batas ang conclusion nito.

Idinagdag pa ni Men­doza na lalabanan na lang ng pamilya ang findings ng DOJ sa korte.

Sinabi pa ni Mendoza na iprinisinta nila sa DOJ ang mga dokumentong nilagdaan ni Co It kabilang ang unti-unting pagbe­benta nito ng kanyang shares mula 1971 hang­gang 1986; dokumentong nagpapatunay na alam ni Co It ang paglilipat ng shares sa kanyang mga kapatid noong 1970s at 1980s at dokumentong nilagdaan niya, ng kan­yang mga anak at kanilang abogado noong 2001 na nagsasabing ang kanyang mga kapatid at kanilang anak ang tunay na may-ari ng GCI at iba pa.

vuukle comment

ANTHONY CO

CO IT

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOJ

ESTELITO MENDOZA

GREEN CROSS INC

IDINAGDAG

MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with