Matapos madala sa ingay ng pulitika sa Metro Manila, hinamon ng mga local government officials sa Bicol, Cebu at Davao ang bagong upo na si Speaker Prospero Nograles na pangunahan ang mga probinsya sa plano ng mga ito na gawing federalismo ang sistema ng gobyerno.
Sa isang radio interview kahapon, sinabi ni Albay Gov. Joey Sal ceda na makakaalpas sa walang katapusang political maneuvering sa Manila ang mga probinsiya kung gagawing federal states ang mga ito na magiging mitsa na rin ng pag-unlad ng ekonomiya sa bansa.
Itinuro ni Salceda ang malawakang atensiyon na binigay ng Senado sa pagdinig sa NBN-ZTE scandal na lumabas sa mga headline sa nakaraang dalawang linggo.
“We should find a closure on this issue the soonest time possible so we can focus on the more pressing concerns of our people in the countryside,” dagdag pa ni Salceda.
Sinabi ni Salceda na ang federalismo ay isang ideya na napapanahon dahil ang Pilipinas bilang isang archipelago ay sadya na ring watak-watak.
Ayon pa kay Salceda, ang bagong panawagan sa federalismo ay hindi para iligaw ang mga isyu sa Senate hearing kundi isang matagal nang hiling ng mga rehiyon at lalawigan na humihiling ng autonomy. (Butch Quejada)