^

Bansa

Bicol, Davao, Cebu gustong maging federal states

-

Matapos madala sa ingay ng pulitika sa Metro Manila, hinamon ng mga local government officials sa Bicol, Cebu at Davao ang bagong upo na si Speaker Prospero Nogra­les na pangunahan ang mga probinsya sa plano ng mga ito na gawing federa­lismo ang sistema ng gob­yerno.

Sa isang radio interview kahapon, sinabi ni Albay Gov. Joey Sal­ ceda na ma­kakaalpas sa wa­lang katapusang political maneuvering sa Manila ang mga pro­binsiya kung ga­gawing federal states ang mga ito na magiging mitsa na rin ng pag-unlad ng eko­nomiya sa bansa.

Itinuro ni Salceda ang malawakang atensiyon na binigay ng Senado sa pag­dinig sa NBN-ZTE scandal na lumabas sa mga headline sa nakaraang dala­wang linggo.

“We should find a closure on this issue the soonest time possible so we can focus on the more pressing concerns of our people in the countryside,” dagdag pa ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na ang federalismo ay isang ideya na napapanahon dahil ang Pilipinas bilang isang archipelago ay sadya na ring watak-watak.

Ayon pa kay  Salceda, ang bagong panawagan sa federalismo ay hindi para iligaw ang mga isyu sa Senate hearing kundi isang matagal nang hiling ng mga rehiyon at la­lawigan na humihiling ng autonomy. (Butch Que­jada)

ALBAY GOV

BUTCH QUE

JOEY SAL

PLACE

SALCEDA

SHY

SPEAKER PROSPERO NOGRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with