Atienza ‘di magreresign

Hindi umano magbi­bitiw sa kanyang posisyon si Environment Secretary Lito Atienza.

Ito ang tugon ng kali­him sa panawagan ni Alberto Lim ng Makati Business Club na mag-resign siya matapos ma­kaladkad ang kanyang pangalan sa ginawang pagtestimonya ni ZTE witness Rodolfo Lozada.

Ayon kay Atienza, ang panawagan ay baseless, unfair at malisyoso. Ang naging kasalanan lamang umano niya ay ang mabilis na pagtulong kay Lozada na noon ay nasa balag ng alanganin ang sitwasyon.

Nasabi naman anya ni Lozada na siya mismo ang tumawag kay Atienza at humingi ng tulong.

Matapos ang hearing sa Senado ay mismong si Lozada ang lumapit kay Atienza para humingi ng pa­umanhin. (Angie dela Cruz)

Show comments