^

Bansa

Army men binalaan sa pagkakalat ng text

-

Binalaan kahapon ng Philippine Army ang mga opisyal at miyem­bro nito sa pagpapakalat  ng malisyosong text messages laban sa gob­yerno na posibleng ma­kapagpalala ng tensiyon sa pulitika sa bansa.

Ito’y sa gitna na rin ng imbestigasyon ng Senado sa maanomal­yang $ 329 milyong ZTE National Broadband Network deal na isini­walat ng star witness na si Rodolfo Noel “Jun “ Lozada.

Pinagsabihan ni Brig. Gen. Ricardo Morales, Camp Commander ng Phil. Army, ang mga sundalo na huwag mag­pakalat ng mga maling impormasyon o mga alingasngas laban sa administrasyon sa text messages dahil maaring magpalala lamang ito sa sitwasyon.

Sinabi ni Morales na may sariling mandate ang mga sundalo kaya dapat na dumistansya ang mga ito sa sigalot sa pulitika. (Joy Cantos)

BINALAAN

JOY CANTOS

LOZADA

NATIONAL BROADBAND NETWORK

PHILIPPINE ARMY

PINAGSABIHAN

RICARDO MORALES

RODOLFO NOEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with