Mayors ‘nagsasabong’
Isang gusot ngayon ang nagaganap sa hanay ng mga alkalde na miyembro ng League of Cities of the
Tinukoy ng LCP ang House Bill 24 na iniakda ni Zamboanga-Sibugay Rep. Ann Hofer nitong naka raang Hulyo 2007. Layunin nito na gawing lungsod ang 27 pang munisipalidad sa mga probinsya na walang siyudad.
Iginiit ng Liga na hindi isinusunod ang paglikha ng mga lungsod sa itinatadhana ng Local Government Code.
Binanatan naman ni Mati, Davao Oriental Mayor Michelle Rabat ang pagharang ng LCP sa pagiging siyudad ng kanilang bayan at tinawag na maramot ang mga lungsod na bumubuo nito. Sinabi nito na nagmula rin naman sa pagiging munisipyo ang kanilang lungsod kaya wala silang karapatan na harangin ang pag-asenso ng isang bayan.
Ikinalulungkot umano nila ang pagliit ng IRA ng mga lungsod dahil sa pagdami nila ngunit nararapat na hindi magdepende ang mga ito dito. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending