^

Bansa

Public apology hingi ng mga Tsinoy kay Apostol

-

Hiniling kahapon ni Sen. Mar Roxas na dapat humingi ng public apology si Chief Presidential Legal Counsel Sergio Apostol dahil sa ginawa umano nitong pambabastos sa Filipino-Chinese community.

Ayon kay Sen. Roxas, malaking insulto ang bini­tiwang salita ni Apostol patungkol sa “probinsiyanong Intsik” na posibleng makaapekto sa relasyon ng gobyerno sa mga Tsinoy kaya marapat lamang na humingi ito ng paumanhin.  

Sa isang sulat ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. na ipinadala mismo sa tanggapan ni Apostol, sinabi Fernando Gan, secretary general ng FFCCCII, hindi sa kinakampihan nila si ZTE-NBN witness Rodolfo Lozada Jr., ngunit ang binitiwang salita nito patungkol sa ‘probinsiyanong Intsik’ na dapat ipa-deport ay hindi magandang tingnan at isang malinaw na ‘racial discrimination.’

Para sa isang bar topnother (7th place-1958 Bar Exams), dating city prosecutor, dating Regional Trial Court judge, congressman at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel, ang mga salitang ganito ay hindi magandang tingnan para sa isang katulad ni Apostol.

“Through this letter, we are expressing our strongest indignation over this racial slur. We believe that such an unfair and insensitive statement only tend to create a greater divide between the Tsinoys and mainstream Philippine society,” sabi pa sa sulat ni Gan.

Ang FFCCCII ay may 170 chapters sa buong bansa at patuloy na kumikilala at nagpupursigi sa ‘harmonious relations’ at ‘economic well-being’ ng mga Pinoy at Intsik. Samantala, humingi naman ng paumanhin si Apostol sa kanyang mga nabitiwang salita. (Rudy Andal)

APOSTOL

BAR EXAMS

CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL

CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL SERGIO APOSTOL

FEDERATION OF FILIPINO-CHINESE CHAMBERS OF COMMERCE

FERNANDO GAN

INTSIK

MAR ROXAS

REGIONAL TRIAL COURT

RODOLFO LOZADA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with