Idineklara kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang Pebrero 16 na non-working holiday bilang paggunita sa ika-46 na anibersaryo ng lungsod.
Base ang Executive order 001-08 sa Republic Act 7550 na nagdedeklara sa Pebrero 16 ng bawat taon bilang isang non-working holiday.
Ayon kay Echiverri, ang kautusan ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng lungsod na makapag-enjoy at makasali ng iba’t ibang aktibidad na isasagawa ng lokal na pamahalaan.
Hinimok ni Echiverri ang lahat ng residente, mga city officials, empleyado at mga miyembro ng iba’t ibang sector na naka-base sa Caloocan na makiisa sa isang buwang selebrasyon at sariwain ang makasaysayang “legacy” ng Caloocan.
Ang tema ngayong taon, “Caloocan @ 46: Continuing Legacy of Progress and Excellence,” ay nag lalayong ipagpatuloy ang kaunlaran at mga repormang ipinatupad ng administrasyon ni Echiverri.