Kinatigan ng Korte Suprema ang inihaing Writ of Amparo ng pamilya ni Rodolfo Lozada.
Base sa ipinalabas na desisyon ng Supreme Court (SC) en banc, binigyan nito ng limang araw ang mga respondents na sina Pangulong Arroyo, Executive Eduardo Ermita, PNP Chief Avelino Razon, Angel Atutubo ng Manila International Airport Authority at SPO4 Roger Valeroso na magkomento sa inihaing petition ni Rodolfo Noel Lozada Jr. at Violeta Lozada.
Nais malaman ng Korte kung nasa kustodiya nila si Lozada at kung mayroong pang pagbabanta sa buhay nito kaya hindi pa maituturing na moot and academic ang kaso nito sa kabila ng paglantad nito.
Itinakda ang pagdinig sa Pebrero 14, alas-10 ng umaga sa Court of Appeals (CA).
Aalamin din sa pagdinig kung labag sa kalooban nito nang kunin siya ng mga operatiba ng PNP sa NAIA nang dumating ito mula sa HK noong Martes.
Samantala, hindi na nag-isyu ng Writ of Habeas Corpus ang SC dahil nasa kustodiya na ng Senado si Lozada. (Gemma Amargo-Garcia)