^

Bansa

SC pumabor sa Writ of Amparo

-

Kinatigan ng Korte Suprema ang inihaing Writ of Amparo ng pamilya ni Rodolfo Lozada.

Base sa ipinalabas na desisyon ng Supreme Court (SC) en banc, binig­yan nito ng limang araw ang mga respondents na sina Pangulong Arroyo, Executive Eduardo Ermita, PNP Chief Avelino Razon, Angel Atutubo ng Manila International Airport Authority at SPO4 Roger Valeroso na magkomento sa ini­haing petition ni Rodolfo Noel Lozada Jr. at Violeta Lozada.

Nais malaman ng Korte kung nasa kustodiya nila si Lozada at kung mayroong pang pagbabanta sa buhay nito kaya hindi pa maitu­turing na moot and academic ang kaso nito sa kabila ng paglantad nito.

Itinakda ang pagdinig sa Pebrero 14, alas-10 ng umaga sa Court of Appeals (CA).

Aalamin din sa pag­dinig kung labag sa kaloo­ban nito nang kunin siya ng mga operatiba ng PNP sa NAIA nang dumating ito mula sa HK noong Martes.

Samantala, hindi na nag-isyu ng Writ of Habeas Corpus ang SC dahil nasa kustodiya na ng Senado si Lozada. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ANGEL ATUTUBO

CHIEF AVELINO RAZON

COURT OF APPEALS

EXECUTIVE EDUARDO ERMITA

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

LOZADA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

PANGULONG ARROYO

RODOLFO LOZADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with