Utos ni GMA sa DOJ: Sangkot sa ZTE mess tukuyin!
Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng imbestigasyon upang malaman kung sinu-sino ang posibleng sangkot sa ibinasurang kontrata ng National Broadband Network (NBN) sa ZTE Corporation.
Ayon kay Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, inatasan ni Pangulong Arroyo si DOJ Secretary Raul Gonzalez na magsagawa ng preliminary investigation upang matukoy ang mga posibleng sangkot sa ibinasurang NBN contract.
Idinagdag pa ni Bunye, inatasan din ng Pangulo ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) na makipag-ugnayan sa Kongreso upang pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa Kamara o Senado.
Ginawa ni Mrs. Arroyo ang mga kautusan matapos na lumantad si Rodolfo Lozada at inilahad ang kanyang nalalaman kaugnay sa NBN-ZTE deal project kung saan ay idiniin nito si dating Comelec chairman Benjamin Abalos Jr. at isinabit din si FG Mike Arroyo. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending