Lakas at Kampi magsasanib-pwersa

Tiniyak kahapon ni dating Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay na niluluto na ang pagsasanib ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI) at ang Lakas na parehong partido ni Pa­ngulong Arroyo.

“90% tiyak na ang pagsanib nito bago ang  2010 at magiging isa na lamang ang kandidato para sa panguluhan,” ani Pichay, lider din ng Lakas.

Sinabi ni Pichay, ang 25 miyembro ng Lakas na bumoto kay dating House Speaker Jose de Venecia ay hindi papanig sa huli oras na lumaban ito sa Pangulong Arroyo.

Samantala, sinabi ni newly appointed House Speaker Prospero No­grales, puwedeng ma­natili si de Venecia sa partido ng Lakas pero kailangang sumunod sa mga pata­ karan at alin­tuntunin ng nakaka­rami.

Ayon kay Nograles, gusto nilang bigyan muna ng oras si de Venecia para makapag-isip sa kanyang mga gagawing hakbang kung sasama ba o hindi sa kanila.

Sa Pebrero 21 ay magpupulong ang Lakas sa Manila Hotel para sa  kanilang National Directorate Conference. (Butch Quejada)

Show comments