Lakas at Kampi magsasanib-pwersa
Tiniyak kahapon ni dating Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay na niluluto na ang pagsasanib ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI) at ang Lakas na parehong partido ni Pangulong Arroyo.
“90% tiyak na ang pagsanib nito bago ang 2010 at magiging isa na lamang ang kandidato para sa panguluhan,” ani Pichay, lider din ng Lakas.
Sinabi ni Pichay, ang 25 miyembro ng Lakas na bumoto kay dating House Speaker Jose de Venecia ay hindi papanig sa huli oras na lumaban ito sa Pangulong Arroyo.
Samantala, sinabi ni newly appointed House Speaker Prospero Nograles, puwedeng manatili si de Venecia sa partido ng Lakas pero kailangang sumunod sa mga pata karan at alintuntunin ng nakakarami.
Ayon kay Nograles, gusto nilang bigyan muna ng oras si de Venecia para makapag-isip sa kanyang mga gagawing hakbang kung sasama ba o hindi sa kanila.
Sa Pebrero 21 ay magpupulong ang Lakas sa Manila Hotel para sa kanilang National Directorate Conference. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending