JDV inisnab ni GMA!

Inisnab ni Pangulong Arroyo si House Speaker Jose de Venecia matapos hindi makipaglaro sa iniskedyul na golf game kahapon sa Malacañang kung saan inaasahan ng solon na makuha sana ang suporta ng Pangulo upang makapanatili siya sa puwesto bilang Speaker.  

Dahil dito, naniniwala ang mga kongresista na tuluyan ng lumabo ang pag-asa ni de Venecia na manatili pa sa liderato.

“In the first place, I believe de Venecia’s effort to get the support of the President is founded on wrong premise,” pahayag ni Davao del Sur 1st District at Lakas-CMD Rep. Marc Cagas.

Matatandaang kinum­bida ni PGMA sa isang golf match sina JDV at ang sinasabing isinu­sulong na susunod na lider ng Ka­mara na si House Majority Leader Prospero Nograles. Nag­pasabi naman si Rep. Nograles na hindi ito ma­kakadalo dahil may­roong siyang earlier commitment sa Davao City.

Natuloy pa rin ang golf game kahit wala si PGMA na dinaluhan nina JDV,  FVR, Executive Secretary Eduardo Ermita, Press Sec. Ignacio Bunye, Trade Sec. Peter Favila, Finance Sec. Margarito Teves, PMS chief Cerge Re­ monde, Sen. Juan Miguel Zubiri at mga Lakas lawmakers. Naroroon din sina AFP chief of staff Hermo­genes Esperon Jr. at PNP chief Avelino Razon Jr.

Matapos daw ang laro, “JDV did the rounds yesterday after the game, promising legislators the moon and the stars just to get the numbers,” pa­hayag ng isang source.

“Ngunit wala nang maniniwala sa kaniya kundi ang mga die-hard sa ka­niya katulad ni Rep. Benny Abante, kasi ma­raming beses na siyang nangako sa mga kongre­sista kaya naman ang mga kongresi­sta na­ngako sa mga constituents nila ngunit hindi nakadeliver si JDV kaya napahiya lamang ang mga naniwala sa mga pangako niya,” pahayag ng source.

“Maliwanag na may kompromiso si JDV sa mga malalaking foreign businessmen na backer niya kaya walang totoong independence ang House,” pahayag pa niya. “Isa pa, sa ilalim ng liderato ni JDV hindi binubuksan ang books ng Mababang Kapu­ lungan kaya hindi alam ng mga kon­gresista ang mga disbursements niya, bilyon-bilyong piso ‘yun.”

Kinwestiyon naman ni Palawan Rep. Abraham Mitra ang kredibilidad ni JDV upang manawagan ng “moral revolution” sa Kongreso.

“One, how about the controversies surrounding the Northrail Project? Two, his company’s behest loans, all unpaid to this day? Three, his role in the PEA-Amari deals? Four, the unpaid salaries of OFWs his company used to employ? Five, the NBN deal where he uses his son, but actually it is his own project? Six, the years when economic growth was hindered because he failed to get the lawmakers pass the budget on time?,” pahayag ni Mitra.

Mayroon nang 134 na mga kongresista ang pu­mirma sa manifesto na nag­hahayag ng “loss of confidence” kay JDV, sobra-sobra para sa kinakaila­ngang 121 pirma para mapatalsik ito sa puwesto.

Inaasahang ngayong araw ay magkakaroon ng major showdown sa Kon­greso ukol sa pagpapalit kay de Venecia at pag­ta­talaga kay Nograles, isang bar topnotcher at accomplished legislator.

Samantala, magpa­ patawag nga­yong umaga ng coalition caucus si Pangulong Arroyo upang talakayin ang magiging kapalaran ni Speaker de Venecia na na­nganganib na mapa­talsik bilang lider ng Kamara.

Show comments