JDV inisnab ni GMA!
Inisnab ni Pangulong Arroyo si House Speaker Jose de Venecia matapos hindi makipaglaro sa iniskedyul na golf game kahapon sa Malacañang kung saan inaasahan ng solon na makuha sana ang suporta ng Pangulo upang makapanatili siya sa puwesto bilang Speaker.
Dahil dito, naniniwala ang mga kongresista na tuluyan ng lumabo ang pag-asa ni de Venecia na manatili pa sa liderato.
“In the first place, I believe de Venecia’s effort to get the support of the President is founded on wrong premise,” pahayag ni Davao del Sur 1st District at Lakas-CMD Rep. Marc Cagas.
Matatandaang kinumbida ni PGMA sa isang golf match sina JDV at ang sinasabing isinusulong na susunod na lider ng Kamara na si House Majority Leader Prospero Nograles. Nagpasabi naman si Rep. Nograles na hindi ito makakadalo dahil mayroong siyang earlier commitment sa
Natuloy pa rin ang golf game kahit wala si PGMA na dinaluhan nina JDV, FVR, Executive Secretary Eduardo Ermita, Press Sec. Ignacio Bunye, Trade Sec. Peter Favila, Finance Sec. Margarito Teves, PMS chief Cerge Re monde, Sen. Juan Miguel Zubiri at mga Lakas lawmakers. Naroroon din sina AFP chief of staff Hermogenes Esperon Jr. at PNP chief Avelino Razon Jr.
Matapos daw ang laro, “JDV did the rounds yesterday after the game, promising legislators the moon and the stars just to get the numbers,” pahayag ng isang source.
“Ngunit wala nang maniniwala sa kaniya kundi ang mga die-hard sa kaniya katulad ni Rep. Benny Abante, kasi maraming beses na siyang nangako sa mga kongresista kaya naman ang mga kongresista nangako sa mga constituents nila ngunit hindi nakadeliver si JDV kaya napahiya lamang ang mga naniwala sa mga pangako niya,” pahayag ng source.
“Maliwanag na may kompromiso si JDV sa mga malalaking foreign businessmen na backer niya kaya walang totoong independence ang House,” pahayag pa niya. “Isa pa, sa ilalim ng liderato ni JDV hindi binubuksan ang books ng Mababang Kapu lungan kaya hindi alam ng mga kongresista ang mga disbursements niya, bilyon-bilyong piso ‘yun.”
Kinwestiyon naman ni Palawan Rep. Abraham Mitra ang kredibilidad ni JDV upang manawagan ng “moral revolution” sa Kongreso.
“One, how about the controversies surrounding the Northrail Project? Two, his company’s behest loans, all unpaid to this day? Three, his role in the PEA-Amari deals? Four, the unpaid salaries of OFWs his company used to employ? Five, the NBN deal where he uses his son, but actually it is his own project? Six, the years when economic growth was hindered because he failed to get the lawmakers pass the budget on time?,” pahayag ni Mitra.
Mayroon nang 134 na mga kongresista ang pumirma sa manifesto na naghahayag ng “loss of confidence” kay JDV, sobra-sobra para sa kinakailangang 121 pirma para mapatalsik ito sa puwesto.
Inaasahang ngayong araw ay magkakaroon ng major showdown sa Kongreso ukol sa pagpapalit kay de Venecia at pagtatalaga kay Nograles, isang bar topnotcher at accomplished legislator.
Samantala, magpa patawag ngayong umaga ng coalition caucus si Pangulong Arroyo upang talakayin ang magiging kapalaran ni Speaker de Venecia na nanganganib na mapatalsik bilang lider ng Kamara.
- Latest
- Trending