Manero bubuntutan ng NBI

Inatasan ng Depart­ment of Justice ang Na­tional Bureau of Investiga­tion na i-monitor ang mga ikinikilos ng pinalayang killer priest na si Norberto Manero kahit nasa labas na ito ng piitan.

Sa isang pahinang me­morandum na ipinalabas ni Justice Secretary Raul Gonzalez, inatasan nito ang NBI na magpakalat ng mga tauhan sa lalawigan ng Cotabato at General Santos City upang  subay­bayan ang kilos ni Mane­ro. Mahigpit ang bilin ni Gonzalez sa NBI na iwa­san na ma-harass si Ma­ne­ro o ang kanyang buong pamil­ ya habang ipinatutu­pad nila ang kanilang tungkulin.

Nabatid na ipinalabas ng Kalihim ang kanyang direktiba upang malaman kung tunay na ang pagba­bagong buhay ni Manero at mapanagot ito sakaling lumabag sa nilagdaang kasunduan sa kanyang paglaya.

Magugunita  na pinala­ya si Manero noong naka­raang buwan matapos nitong mapagsilbihan ang kanyang sentensya dahil sa kasong pagpatay kay Italian priest Father Tulio Favalli. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments