Brawner, acting Comelec chairman
Pansamantala munang uupo bilang acting chairman ng Commission on Elections (Comelec) si Commissioner Romeo Brawner.
Ang pag-upo ni Brawner ay kasunod nang nakatakdang pagreretiro bukas (Pebrero 2) ni outgoing Comelec acting Chairman Resurreccion Borra.
Nabatid na hindi pa naisasapormal ang pagtatalaga kay retired Supreme Court justice Jose Melo bilang chairman ng Comelec kaya’t hindi pa nito ginagampanan ang naturang posisyon.
Maliban kay Borra, nakatakda na ring magretiro si Commissioner Florentino Tuason Jr. sa nasabing petsa.
Si Brawner ang matitirang pinaka-senior sa lahat ng mga commissioners ng Comelec kaya’t siya ang itinakdang pumalit sa nasabing pwesto. (Doris Franche)
- Latest
- Trending