Mag-anak na Pinoy patay sa sunog sa Guam

Masaklap ang sinapit na kamatayan ng apat na miyembro ng isang pa­milyang Pinoy sa Guam matapos makulong sa loob ng nasusunog nilang tahanan nitong Linggo.

Sa report na naka­rating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang nasa­wing mga biktima na sina Xavier Rojas, 28; asawa nitong si Jenalyn, 22 at ang kanilang dalawang anak na sina Jevier, 3 at John Patrick, 1.

Base sa ulat, nilamon ng apoy ang 2-storey na tahanan ng pamilya Rojas na matatagpuan sa Naki St., Chalan Pago, Guam at naapula ang apoy dakong alas-2 na ng madaling araw nitong Linggo.

Tanging ang tatlong alagang aso ng pamilya ang nakaligtas sa tra­hedya.

Sinabi ni Philippine Consul General Bayani Mercado na kumilos na ang kanilang tanggapan upang tulungang maiuwi sa Pilipinas ang mga bangkay ng pamilya Ro­jas.

Ang pamilya Rojas ay tubong Cebu at nanirahan lamang sa Guam.  (Joy Cantos)

Show comments