^

Bansa

Pangilinan sinipa ni Roxas sa LP

- Ni Malou Escudero -

Pinatalsik ni Liberal Party (LP) president Sen. Manuel “Mar” Roxas si Senate Majority Leader Francis Pangilinan bilang national party chairman ng LP at ibinigay ang posisyon kay dating Senate President Franklin Drilon.

Hindi rin binigyan ni Roxas nang anumang posisyon sa LP si Pangi­linan na tumakbo noong nakaraang senatorial elections bilang independent kahit na miyembro siya ng LP.

Miyembro si Pangilinan ng Wednesday Club ng Senado na kinabibilangan ni Nacionalista Party president Manuel Villar na ga­gawin umanong standard bearer ng partido sa 2010 presidential elections.

Ayon sa press statement ng LP, sinusunod lamang ni Roxas ang ‘party tradition’ na mag­ karoon ng kapangyarihan na pumili ng kanyang mga opisyal matapos siyang mahalal na presidente ng partido noong Nobyembre 26, 2007 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.

Itinalaga rin ni Roxas sina Cavite Rep. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya bilang LP secretary general, Sen. Benigno “Noy­noy” Aquino III, executive vice president, at dating  Education assistant secretary for legal affairs Bong Montesa bilang director general.

Nanatili naman si Que­zon Gov. Raffy Nantes sa kanyang posisyon bilang treasurer ng partido.

Si Roxas ang pumalit sa dating posisyon ni Drilon bilang presidente ng LP.

BONG MONTESA

CAVITE REP

CLUB FILIPINO

DRILON

JOSEPH EMILIO AGUINALDO ABAYA

LIBERAL PARTY

MANUEL VILLAR

NACIONALISTA PARTY

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with