^

Bansa

Kaso vs. Tan ibinasura

-

Tuluyan nang dinismis ng Supreme Court (SC) ang apela ng gobyerno hinggil sa kaso ng pag-sequester sa shares ni business tycoon Lucio Tan sa ilang kumpanya. Sa isang pahinang resolusyon, ibinasura ng First Division ng SC ang motion for reconsideration na isinampa ng Office of the Solicitor General at ng Presidential Commission on Good Government.

Iginiit ng Mataas na Hukuman na wala namang bagong mga argumento na naiprisinta ang mga abugado ng gobyerno kaya wala nang dahilan para baguhin pa nila ang naunang desisyon.

Una nang pinagtibay ng SC  ang naunang ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan na nagde­deklarang walang legal na basehan at hindi balido ang ipinalabas na “writs of sequestration” ng PCGG laban sa shares of stock ni Tan sa Allied Banking corporation, Foremost Farms Inc., Fortune Tobacco Corp, at sa Shareholdings Inc..

Wala umanong napatunayan ang PCGG na may kaugnayan ang mga yaman ni Tan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALLIED BANKING

FIRST DIVISION

FOREMOST FARMS INC

FORTUNE TOBACCO CORP

GEMMA AMARGO-GARCIA

GOOD GOVERNMENT

LUCIO TAN

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PANGULONG FERDINAND MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with