Peace talk nanganganib

Aminado ang Mala­cañang na maaapek­tuhan ang isinusulong na negosasyong pang­ka­ payapaan ng  gob­yerno at rebeldeng ko­munista dahil sa pa­hayag ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Her­mogenes Es­pe­ron Jr. na dudurugin nito ang New People’s Army sa loob ng tatlong buwan at magiging ma­dugo ito.

Sinabi ni Presidential Deputy Spokesperson Lorelei Fajardo na walang “mapamimilian” ang militar at si Es­peron kundi gawin ang ka­nilang trabaho na du­rugin ang kaaway ng estado upang matigil na ang armed insurgency na inilulunsad ng Communist Party of the Philippines at ng NPA.

Wika pa ni Fajardo, hindi dapat ang gob­yerno ang sisihin sa pangyayari dahil laging bukas naman ang pa­mahalaan sa usapin ng peace talks subalit nag­mamatigas ang NPA. (Rudy Andal)

Show comments