GMA tumira sa pinakamahal na hotel sa mundo
Inamin ng Malacañang na tumira si Pangulong Arroyo sa nag-iisang 7-star hotel sa mundo na nasa
Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, na natili si Pangulong Arryo sa Burj Al Arab, ang nag-iisang 7-star hotel sa mundo, subalit walang gastos ang Pilipinas dito. Ipinaliwanag ni Sec. Bunye, kinumbida ng Emir si Pangulong Arroyo at sa nasabing pinakamahal na hotel sa mundo siya pinatira.
Hindi naman makumpirma ng kalihim kung sino-sino sa delegasyon ni Mrs. Arroyo ang tumira din sa naturang hotel kung saan ang halaga ng pananatili dito ay 7,500-8,500 UAE Dirhams sa bawat gabi o katumbas na P500,000.
Ang nasabing hotel ay nasa gitna ng isang man-made beach at ang hotel lobby nito ay napapaikutan naman ng mga gold-plated na ceilings. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending