^

Bansa

Hamon ni Brillantes kay Macalintal: ‘Lisensiya itaya kung walang daya!’

- Butch M. Quejada -

Hinamon kama­ka­ilan ni Atty. Sixto Brillan­tes ang kapwa election lawyer na si Atty. Romulo Macalin­tal na isoli ang lisensya sa pagka-abo­ gado kung mapapa­tu­nayan na nag­sisinu­ngaling kaugnay sa electoral protest ni Senator Lo­ren Legarda laban kay Vice Pres. Noli de Cas­tro.

Ngunit para uma­nong “asong takot na bahag ang buntot” na tinak­ buhan at hindi ki­nagat ni Atty. Maca­lintal ang ha­mon na magsoli ng li­sensya bilang abo­gado ang sinuman sa kanila na mapapatuna­yang nag­sisinungaling.

Dahil sa insidente, naging usap-usapan at tampulan ngayon ng biro sa hanay ng mga abo­ gado ang pag-urong ni Macalintal sa hamon. 

Ayon kay Brillantes, peke ang election returns na na-retrieve mula sa Kongreso, na iprini­sinta ni Legarda bilang ebiden­ sya ng umano’y panda­raya ni de Castro noong 2004.

“It is very clear that the ERs from Congress were falsified,” wika ni Brillan­ tes, lead counsel ni Le­gar­da sa kanyang election pro­test sa harap ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

“This is why I am challenging Atty. Ma­calintal for him to surrender his law license if his contrary claim that the Congress ERs were not fakes is proven wrong,” aniya.

Iniwasan naman ni Ma­calintal, lead counsel ng defendant na si de Castro, ang hamon dahil aniya’y pinaghi­rapan rin niya ang kanyang li­sensya.

Bilang tugon, sinabi ni Brillantes na kung totoo ang sinasabi ni Maca­ lintal ay hindi ito magda­dalawang-isip na su­mang-ayon sa kanyang hamon na itaya nila ang kanilang mga lisensya sa isyu ng kung peke ba o hindi ang Congress ERs.

Sa pitong kopya ng ERs, tanging ang Congress ERs ang naiiba kung kaya maliwanag na peke ang mga ito, ayon kay Brillantes. Hindi rin aniya pwe­deng magka­roon ng presumption of regularity sa Congress ERs dahil may presumption of regularity rin na­man sa anim pang ERs na ginamit sa pagku­kum­para.

Balak ni Legarda na magsampa ng motion for reconsideration sa pag­ dismis ng PET sa kan­yang election protest, partikular sa pun­tong umano’y walang ebi­densya na magpa­pa­tunay na nagkaroon ng dayaan noong 2004.

Sinabi ni Brillantes na tanggap ni Legarda ang rason na dinismis ang kanyang kaso dahil sa siya’y isa nang senador matapos mag-No. 1 sa 2007 senatorial election.

“What we are contesting is that part of the decision that said she failed to produce evidence to back her stand,” anang abo­gado.

BRILLANTES

ERS

LEGARDA

MACA

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

ROMULO MACALIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with