Edad ng magpapakasal taasan!

Upang masolusyunan ang problema ng mga broken marriage sa ban­sa iminungkahi ng isang mataas na lider ng Sim­ba­hang Katoliko na taasan ang “age requirement.” 

Sa idinaos na 3rd Bishops’-Legislators’ Cau­cus sa Pasay City kamakalawa binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kailangang i-adjust ng mga mambabatas ng Senado at Kongreso ang minimum legal marrying age dahil kalimitang ang mga indibidwal na nagpa­pakasal sa edad na 18 taong gulang ay maitutu­ring pang “psychologically unprepared” at “emotionally unstable” upang mag­pakasal, kaya’t ang kasal ng mga ito ay nauuwi lang din sa hiwalayan.

Hindi naman binanggit ni Cruz kung hanggang ilang taon ang nais niyang  maging age requirement sa mga taong nais na magpakasal.

Gayunman, ipinaliwa­nag nito na ang mental capability at kahandaan ng isang tao ay napaka­importante sa isang kasal lalo na’t sangkot umano dito ang pagta­ taguyod sa iyong sariling pamilya.

Iginiit rin niya na baga­mat maraming batas na isi­nusulong ang mga  mam­babatas upang ma­remedyuhan ang mga broken marriage ay wala naman umanong nag­panukala na i-fortify ang mga kasal at maiwasan ang mga paghihiwalay.

“Marriage is never a simple relationship that everyone could just go into. It entails many responsibilities that require physical, emotional and spiritual preparedness,” giit pa ng arsobispo. (Doris Franche)

Show comments