^

Bansa

Black & White Movement kumampi kay Loren

- Nina Malou Escudero at Butch Quejada -

Naniniwala ang gru­pong Black and White Movement na nadaya si Sen. Loren Legarda noong 2004 Vice Presidential election batay na rin sa ebidensya ng election returns (Ers) na isinumite sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ikinadismaya ni Leah Navarro, isa sa mga con­venor ng Black and White, ang  ginawang pagdismis ng PET sa protesta ni Legarda, partikular sa tinuran nitong umano’y walang ebidensya na magpapatunay sa da­yaan.

Sa mahigit na tatlong taon at ginastang mahigit P12 milyon upang tus­tusan ang mga recount proceeding ng PET, na­ikumpara ni Legarda ang pitong kopya ng ERs mula sa Lanao del Sur at lumitaw na kakaiba ang ER na na-retrieve mula sa Kongreso na patunay na peke ang mga ito.

Hindi rin pabor ang Black and White sa pa­hayag ng abogado ni Vice President  Noli de Castro na si Romulo Ma­calintal, na umano’y walang da­yaan na nangyari noong 2004, maging sa presidential election.

Ayon sa grupo, kung walang dayaan na nang­yari ay hindi sisingaw ang Hello Garci scandal at hindi rin kakailanganin pa ni Pangulong Arroyo na magsabi ng “I am sorry” kaugnay ng isyu.

Ang Hello Garci scandal ay kaugnay ng sina­sabing nai-tape na pag-uusap sa telepono nina Pangulong Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kung saan ay sinabing hiningi ng Pangulo ang karag­dagang boto para sa administrasyon sa kata­gang “yung dagdag, yung dagdag.”

Naniniwala ang grupo na hindi rin mawawala ang dayaan hangga’t hindi nababalangkas ng maayos ang mga naka­upo sa COMELEC.

vuukle comment

ANG HELLO GARCI

BLACK AND WHITE

BLACK AND WHITE MOVEMENT

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

HELLO GARCI

LEAH NAVARRO

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with