Naunsiyami na naman ang paglaya kahapon ni convicted priest killer Norberto Manero Jr.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, ito ay dahil sa wala pa umanong magta-type ng release order ni Manero dahil lampas na ito ng office hours.
Parang nanlumo naman si Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta dahilan sa halos anim na oras nitong hinintay sa opisina si Gonzalez upang personal na kunin ang release paper.
Bukod dito, hindi pa rin umano tapos ang resolution na kanyang ginagawa at mayroon pa rin siyang idadagdag dito.
Siniguro naman ng Kalihim na ngayong araw na ito ay matatapos na ang resolusyon at hindi na ito aabot ng weekends.
Inamin naman ni Gon zalez na nakukulitan na rin siya sa PAO kaya kanya na itong pipirmahan agad. (Gemma Amargo-Garcia)