Saklolo ng Kongreso hingi ng Bureau of Fire

Dobleng pakiusap nga­ yon ang ginagawa ng pa­munuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Kon­greso upang tuluyang su­sugan ang Fire Code of the Philippines para sa moder­nisasyon ng kanilang mga fire trucks at gamit sa paglaban sa sunog.

Sinabi ni BFP acting director, C/Supt. Enrique Linsangan na ang kakula­ngan sa maayos na fire trucks at fire fighting equipments ang pangunahin pa rin nilang problema sa pag­responde sa mga sunog.

Matatandaan na nag­mukhang kawawa ang mga tauhan ng BFP kumpara sa mga maaayos na mga trak at mas “high-tech” na kaga­mitan ng mga Fil-Chinese fire volunteers sa pagres­ponde sa naganap na su­nog kamakailan sa Bac­laran mall sa Pasay City.

Sinabi ni Linsangan na kanilang isinumite ang pinalakas nilang “position paper” sa Mababang Kapu­lungan at Senado para gawing “urgent” ang pagre­rebisa sa Fire Code.

Sa kasalukuyan, 10,000 sa 14,000 niyang mga bumbero ang walang helmets; 9,000 ang walang personal na jacket at boots habang marami rin ang walang gloves na pinaka­payak na kagamitan ng isang bumbero habang nasa 127 breathing apparatus la­mang ang pag-aari ng BFP para sa 14,000 tauhan. (Danilo Garcia)

Show comments