Villar, manok na ni Erap?

Mistulang inindorso na kahapon ni dating pa­ngulong Joseph Estrada si Senate President Ma­nuel Villar sa kanilang pagbisita sa Dinalupihan, Bataan.

Ipinahiwatig ni Estra­da ang kanyang kagus­tuhan na maging kandi­dato ng oposisyon si Villar bilang pangulo sa 2010 election.

Ayon kay Estrada, ma­giging maganda ang bu­hay ng mga mamamayan ng Bataan kay Villar.

“Magiging maganda ang inyong patutunguhan kay Villar,” sabi ni Erap.

Hindi naman magka­mayaw ang mga taga-suporta ni Erap sa na­sabing okasyon na dina­luhan ng libo katao upang makita ang dating pangulo at si Senador Villar na itinuturing na anak ng Ba­taan dahil sa Orani ito ipinanganak. 

Inpinagmalaki ni Villar na matatapang at mala­lakas ang loob ng mga taga-Bataan tulad ng kanyang ina kung kaya’t malaki ang pag-asa nito na makakaahon sa kahi­rapan ang mga mama­mayan ng Bataan, sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.

Ito ang unang pagka­kataon matapos ang halos pitong taon na naki­tang magkasama si Es­trada at Villar sa enta­blado kung saan naging pangunahin nilang la­yunin ay pagkaisahin ang mga pamilya na may hidwaan sa pulitika.

Matagumpay na na­pagkasundo ng dalawa si Bataan Gov. Enrique “Tet” Garcia at dating Gov. Felicisimo Payumo at mga pamilya Roman na kinatawan naman ni Rep. Herminia Roman. (Malou Escudero)

Show comments