Villar, manok na ni Erap?
Mistulang inindorso na kahapon ni dating pangulong Joseph Estrada si Senate President Manuel Villar sa kanilang pagbisita sa Dinalupihan,
Ipinahiwatig ni Estrada ang kanyang kagustuhan na maging kandidato ng oposisyon si Villar bilang pangulo sa 2010 election.
Ayon kay Estrada, magiging maganda ang buhay ng mga mamamayan ng
“Magiging maganda ang inyong patutunguhan kay Villar,” sabi ni Erap.
Hindi naman magkamayaw ang mga taga-suporta ni Erap sa nasabing okasyon na dinaluhan ng libo katao upang makita ang dating pangulo at si Senador Villar na itinuturing na anak ng
Inpinagmalaki ni Villar na matatapang at malalakas ang loob ng mga taga-Bataan tulad ng kanyang ina kung kaya’t malaki ang pag-asa nito na makakaahon sa kahirapan ang mga mamamayan ng
Ito ang unang pagkakataon matapos ang halos pitong taon na nakitang magkasama si Estrada at Villar sa entablado kung saan naging pangunahin nilang layunin ay pagkaisahin ang mga pamilya na may hidwaan sa pulitika.
Matagumpay na napagkasundo ng dalawa si Bataan Gov. Enrique “Tet” Garcia at dating Gov. Felicisimo Payumo at mga pamilya Roman na kinatawan naman ni Rep. Herminia Roman. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending